UP Food Trip: Rodic’s Tapsilog

April 23, 2015

           Five days ago, Rupert, Zuri and I were in UP Diliman to attend a 1st birthday party at Balay Kalinaw. Before the party started, we went with some friends to UP Shopping Center to eat. (O diba, kain in preparation for more kain.) We chose the Tapsilog King of the UP community – Rodic’s. This humble eatery’s fame has gone beyond the confines of the campus. And, as proof of its success, Rodic’s has not one but two branches right across each other inside the UP Shopping Center.

UP Shopping Center

The UP Shopping Center (inside UP Diliman campus)

Rodic's UP Diliman 2

One of the two Rodic’s branches inside UP Shopping Center

 

        Siyempre, Tapsilog ang order namin. Ang inconsistent ko naman kung “Tapsilog King” ang peg ko for Rodic’s, tapos iba inorder ko. So, ayun na nga. We ordered Tapsilog (seasoned dried beef, fried rice and egg – baka lang may reader akong foreigner na hindi ma-gets ang tapsilog).

         Tapsilog is an all-time favorite Filipino breakfast. That being said, it is no longer surprising that tapsilog is also widely available. Kahit saang carinderia ata ay may tapsilog. What makes Rodic’s tapsilog unique is this: Rodic’s tapa/beef is stringy… fibrous… teka, parang mali… parang hindi na ata masarap ang dating ng sinabi ko, parang nakakatinga lang at matigas… That’s NOT what I mean at all!

            What I mean is… an order of tapsilog at Rodic’s comes with fried rice, egg and tapa bits. Yon, tapa bits. Bits kasi kaya mukhang fibrous and stringy literally. Parang maliliit na hibla ang hitsura. Pero malambot, masarap at malinamnam pag kinain. Samahan pa ng suka-all-you-can (as in vinegar ha), solb na for only PHP85. Oo, medyo mahal, kasi sa kapitbahay namin PHP50 lang ang tapsilog. Pero okay lang, sulit naman sa lasa. Tsaka may aircon naman sa Rodic’s na kasing lamig ng sirang electric fan namin sa bahay o ng ref na hindi nakaplug. (Sosyal naman kasi, 85 lang ang ibinayad, gusto pa ng aircon.) Hindi, seriously, masarap at sulit talaga sa Rodic’s.

Rodic's tapsilog

The famous Rodic’s tapsilog. Bits nga kasi kaya when I asked Rupert to describe, sabi niya stringy daw… fibrous…

Rodic's UP Diliman

The airconditioned second level of Rodic’s (May ulo yang friends namin ha, niretouch ko lang itong photo kaya ganyan)

 

          Aside from tapsilog, Rodic’s also serves the following: baconsilog, hamsilog, siomai silog, bbq silog, liempo silog, bangus silog, chicken bbq silog, tosilog, jumbo silog, skinless longsilog, menudo, pork sinigang, caldereta at sizzling sisig. Most of them ay PHP 80-85 with rice. Bottled iced tea and drinks are also available (PHP 30/bottle).

Rodic's food

Mga ulam sa Rodic’s. PHP 80 lang daw ang isang order, with rice na sabi ni Ate.

 

          Nagawa naming ubusin ang aming tapsilog in 2 seconds. Hindi, OA naman, 2 seconds isang subo pa lang yon. My point is mabilis lang kaming kumain at wala kaming balak tumambay sa pugon, este, doon.

              Pagkatapos namin mabusog at pagpawisan sa Rodic’s, we rushed back to the party. Kasi gustong gusto na namin magpakasasa sa aircon ng Balay Kalinaw. Hindi, joke… (sort of). Siyempre ayaw namin ma-late sa birthday kaya kami nagmamadali makabalik. Umabot naman kami sa chicken at spaghetti. Hindi, joke ulit… Hindi pa talaga nagstart yung party. Nasimulan pa namin. Na-career pa namin yung prizes sa mga games. Haha. (Sorry, hindi namin maiwasang mag-asawa ang maging competitive. But that’s another story.)

            So after ng masaya at malamig na party ng inaanak ko at Balay Kalinaw, we went back to UP Shopping Center for more sauna, este, food trip….. Pero wait, next time ko na lang ikwekwento yan kasi nose-bleed na ‘ko. Hindi na kaya ng neurons ko ang post na ito. Next time, makapag-English na nga lang ulit (Taray!).

               Bilang closing remarks, I would like to say I love tapsilog, I love Rodic’s, I love UP Shopping Center, I love UP! Para malinaw lang. Ako po ay isang tunay na dugong Iska at nagsasabi lamang ng pawang katotohanan. And to all my foreigner readers, sorry… try to use google translate (Chos!).

Thanks for reading my first ever Taglish post! Come again! :p

You might also want to read:

Rufo’s Famous Tapa at UP Ayala Technohub

King Chef Dimsum Kitchen, The Block, SM North Edsa


Blog Directory for the Philippines
"Blog
Personal - Top Blogs Philippines


Fat Burning

Count Stats


Fat Burning

Count Stats

Leave a Reply